"Epes, mamatay kayong lahat!"
okay, dahil na-inspire ako sa page ni "chen" kung sino ka man .. Thanks! =)
Habang nagsasabi ako kanina kay Precious ng mga rants ko about school, sinabi nya na " Yung Feasib (franchising chu chu) yung highlight sa course nyo.. "
Feasib is killing me. As in, ayaw ko na umuwi sa boarding house dahil malulungkot lang ako.dahil wala akong kausap.at malamang hindi ako masaya.. at hindi pa nga pala ako nagbabayad ng rent..dahil lagi akong wala sa bahay dahil sa Feasib nga. (ok,redundant!,feasib! feasib! feasib!) Napapagod na ako. Hindi naman ako gagraduate sa May,kaya siguro nakakatamad. At yun kaya siguro ako nalungkot nagpost yung kinaiinisan ko na classmate nung hyskul..na kesyo malapit na daw sya sa finish line.. Ngayon ko narerealize yung mga sinasabi ng tatay ko... o,cge isama narin natin yung nanay ko.. na matindi ang pananampalataya na alam ko ang mga ginagawa ko. Na someday I can be somebody! Hehe oh well, minsan lang hindi ko na kaya. Yeah! =) tulad ngayon na naiiyak na ako pero hindi ako pwedeng umiyak.. oh well..
Here we are,
In the best years of our lives,
With no way of knowing,
When the wheel will stop spinning,
'Cause we don't know where we're going.
And, here we are,
On the best day of our lives,
And it's a go, lets make it last,
So cheers you all to that,
'Cause this moment's never comin' back.
-Moment of Truth by FM Static
Dapat nga pala gagraduate na ako...sa March or sa May ganun sa school ang graduation. well at least hindi dahil nagkabagsak bagsak ako kaya hindi makaalis pero yun parin yun .. hindi ako on time! Hahaha
Habang hinihintay namin kanina yung kagroupmate namin.. narealize ko na,nandun pala kami ni OB sa tapat ng office nung mga scholar..
Ako: Hindi ko man lang naranasan maging scholar....
OB: Nung 1st year, kaya mo nga nakuha yung grade mo sa CWTS
(ok magulo db? ano naman ang connection ng CWTS sa pagiging scholar,ahh kasi yung mga scholar ..sila lang yung matyaga na kumuha ng grade sa CWTS..hehe at sila lang din yung binigyan ng classcard..)
Ako: Ay oonga pala..pero wala pa akong pakelam nun. Sayang... (sabay tawa)
Tapos nagshift na nga ako at yun. Estudyante parin.. Haha Nakakatuwa talaga ang buhay.. looking at the funny side, imagine,yung classmate mo nung elementary na hindi marunong magbasa mauunahan ka pang grumaduate, yung tipong nasa Row 1 ka at tuturuan mo yung taga Row 4. At ngayon naunahan pa nung taga Row 4 si Taga Row 1. C'mon! Hindi ko sinasabi na proud ako dun dahil isa yung malaking OUCH! Masakit syempre isipin na alam mo sa sarili mo na mas magaling ka, (ano?) tapos yun. Hahahaha ayaw ko ng sabihin. parang quiz lang yan e . Yung tipong nataasan pa nung nangopya yung nakopyahan nya... Bitter! Pero,Hands up talaga ako sa mga batch ko na from start to finish e yun. I mean yung mga taong tama yung decisions from the start. Minsan kasi parang marunong lang akong magstart,hindi ko naman kayang tapusin. Dahil sa middle,nabobored na ako. Hahaha Ayun!
Minsan gusto ko na lang mag-disappear.. tapos yun... pero dba nga meron kang narealize na "kung walang mistake,wala ng learnings.." ano?
Siguro kelangan ko ng ninute by minute i-practice yung special skill ko : the art of Ignoring! Napapahamak ako ka-phiphilosophize.. wow! kaiisip na lang! Masakit pa sa ulo.. at nakakagutom pa. Yun naman ang tendency pag isip tayo ng isip,nagugutom tayo. Kaya pala sexy ako! hahaha natutunan ko yun nung may pera pa ako na pampa-acupuncture.. wahahaha
Ayan. masaya na naman akong nakapag-blog at pending na naman yung assignment ko na ipapasa sa Sat.! hay naku! pero at least masaya na ako,kahit konti. at wala nga pala kong crush ngayon, hehehe.. busy ako. busy! busy! busy! busy! sa bwisit na feasib.feasib.feasib.. at bukas gagastos na naman ako ng bigtime. nanghihinayang na ako sa pera pero dahil nga sa feasib.feasib.feasib. kelangan kong gumastos..
ilibre mo naman ako ng kape, yung mocha
namimiss ko na.Happy B-day nga pala! pero wala ng kilig factor.Haha dahil sabi nga nung shoutout sa FS nung girlfriend mo happy and all .. kayo na! kayo na ang happy... hehehe kaya lang mukhang napapa-fall for you ako ngayon...tonight will be the night That I will fall for you over again Don't make me change my mind.. adik db? at mukhang gagawa na naman ako ng destiny. Paano? dahil mukhang maiinterview kita dahil sa Feasib! meaning magkikita na naman tayo,dahil engineer ka, magaling na magaling.. kahit na sabi ni Kriza nung isang gabi..hindi daw yung totoo.. yung destiny.. hehe the idea makes me happy so hindi ko muna i-gigive up. kelangan kong maging masaya these days.. para nga pala sa definiton ko ng destiny... haha the bridge that you build to the one you love,oh well from my sassy girl (movie),hindi ba at si Kriza din ang nagsabi saken nun? Oo! Tama!
at ngayon nakikinig ako sa Stolen, bago pa ako magreminisce na naman ay ipupublish ko na ito. at after iisipin ko pa kung itutuloy ko yung assignment ko dun sa isang elective or magbqbloghopping ulit ako. Hahaha
Currently listening to: stolen
Currently feeling: happy and all.. hahaha
Posted by frankstub14 at 11:55 PM as a favorite post | ano pa? :D